Marami sa mga pinoy ang kinawiwilihan ang pagkain sa mga Samgyupsal Restaurant, siguro ay dahil na rin sa nawiwili silang magluto ng kanilang kakainin at maraming pinoy fans ang may gusto ng Korean food. Napakarami na nang mga Samgyupsal restaurant sa bansa at base sa mga nakainan ko na, nagkakahalaga ito ng 399 to 599 per head ang presyo ng unlimited samgyupsal. Alam nyo ba na may murang Samgyupsal sa Cabuyao, Laguna? Ito ay sa "The Hidden Oppa House" Nagkakahalaga lang naman ito ng P199 pesos lang. Hindi ka na lugi dahil servings pa lang, unlimited na. Saan nga ba sa Cabuyao, Laguna ito matatagpuan? Ito ay nakapwesto sa B29 L1 Phase 2 Extension St. Joseph Village 7, Brgy. Marinig Cabuyao City Laguna. Bukod sa kanilang unlimited samgyup, nagkakaroon din sila ng promo na unlimited milk tea at unlimited nachos. But wait, there's more, mayroon din silang live band para naman maaliw at marelax ang kanilang customer habang kumakain at pwede ri...
Comments
Post a Comment