Isang maswerteng fan, binigyan ni Vice Ganda ng Free - All Access Pass sa kanyang concert sa bohol | PEB

Isang ma-swerteng fan ang binigyan ni Vice Ganda nang all access free para sa kanyang concert mamaya (November 24, 2019) sa Bohol.

Nagpost sa kanyang twitter ang fan na si @daryl_buynay na sinabing "Want to watch Vice Ganda’’s concert  tomorrow here in Bohol pero bilang isang estudyante, haha, wala akong pera. HUHUHUHU! 

Sana makita kita kahit sa airport lang Ate @vicegandako 😭"
Agad naman napansin ni Vice Ganda ang tweet na ito kaya naman ito ang naging sagot nya "Come tomorrow il give u an all access pass.  My staff will DM you."
Agad naman kinontak ng staff ni Vice ang nasabing fan para masiguradong makakadalo ito mamaya sa kanyang concert.

Matapos malaman na ililibre sya ni Vice ganda, ito ang kanyang naging pahayag.
"Meme Vice 😭😭😭😭 I’m literally crying po ngayon dito sa boarding house ko 😭😭 HUHUHUHUHUHU! Thank you so much poooooo 😭😭"

Tuwang tuwa naman ang nasabing fan dahil libre na siyang makakanood ng concert ni Vice Ganda. Napakabuti talaga ni Vice, kaya maraming blessings ang dumadating sa kanya. 


Comments

Popular posts from this blog

Murang Samgyupsal sa Cabuyao, Laguna P199 lang, unli pa | PEB

DOH confirmed Philippines now has 2 confirmed nCov cases

Angel Locsin, namahagi ng relief goods sa Northern Samar