Alex Gonzaga, ipina-Tulfo si Mommy Pinty | PEB

Nagpunta si Alex Gonzaga sa TV5 Station na kung saan lumapit siya kay Raffy Tulfo at inerereklamo ang kanyang ina na si Mommy Pinty. Marami ang nagulat sa pagpunta ni Alex sa studio ng TV5.

Inerereklamo ni Alex Gonzaga na hindi daw siya pinapayagan ni Mommy Pinty mag ibang bansa kasama ang kanyang boyfriend. Mangiyak ngiyak si Alex nang sabihin niya ito kay Tulfo. 😂

Agad naman tinawagan ni Raffy Tulfo si Mommy Pinty at nilinaw ang isyu. Pagkasagot nang tawag ni Mommy Pinty ay nagulat ito dahil tumawag sa kanya si Raffy Tulfo. 😂 Bakas sa kanyang boses ang pagkabigla dahil wala siyang ideya kong bakit ito napatawag. 

Sinabi ni Tulfo na naparito si Alex sa aming studio dahil inerereklamo ka niya dahil hindi mo daw siya pinapayagan mag ibang bansa kasama ang kanyang boyfriend?

Isa lang ang naging sagot ni mommy Pinty. "Magpakasal muna kayo" bago ko payagan na mag ibang bansa kayong dalawa. 

Nakausap din ni Raffy Tulfo ang tatay ni Alex at sinabing papayagan niya ito kapag kasama si Mommy Pinty sa kanilang travel abroad. "Kailangan nya ng kasama lalo na't hindi pa sila kasal".

Mahaba ang kanilang naging pag uusap. At tinanong din ni Tulfo kung ano nga bang klaseng anak si Alex. Wala naman ibang sinabi ang kaniyang magulang kundi puro good things about Alex. 

Matapos magtapos ang usapan ay nilinaw ni Raffy at Alex kay Mommy Pinty na ito ay prank lamang. 

Maraming netizens ang nagulat sa pagpunta ni Alex kay Raffy Tulfo at ito ang kanilang naging pahayag.

"Sa loob ng isang araw 5M views na agad, iba ka talaga sir Raffy at Alex G"

"The best collab ever, simula hanggang dulo nakangiti akong manuod. Yung hindi mo expected ang kanilang collab pero nakakatawa talaga. " 

"Nice move Raffy Tulfo, break muna sa trabaho para matakpan ang issue about last episode"

Ito ang latest episode ng Raffy Tulfo in Action Youtube Channel, umani na agad nang 5M views sa loob lamang nang isang araw.

Panoorin ang full video sa link na ito. 

Comments

Popular posts from this blog

Murang Samgyupsal sa Cabuyao, Laguna P199 lang, unli pa | PEB

DOH confirmed Philippines now has 2 confirmed nCov cases

Angel Locsin, namahagi ng relief goods sa Northern Samar